Add parallel Print Page Options

31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang kanilang pinagtitipunan. Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at buong tapang na nangaral ng salita ng Diyos.

Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya

32 Nagkaisa(A) ang damdamin at isipan ng lahat ng mananampalataya, at di itinuring ninuman na sarili niya ang kanyang mga ari-arian, kundi para sa lahat. 33 Taglay ang dakilang kapangyarihan, ang mga apostol ay patuloy na nagpapatotoo tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus.[a] At ang masaganang pagpapala ay tinaglay nilang lahat.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 4:33 Panginoong Jesus: Sa ibang manuskrito'y Panginoong Jesu-Cristo .